rhia, my 3-year-old niece, has a very amusing way of talking to people. here is a sampler of my dose.
last new year's eve, she was left alone with me right after dinner. inay and the boys went to church service, my kuya went out to fetch my sis-in-law from work.
so there we were - tito del and rhia - sitting on the sofa, watching tv.
rhia: tito del, gusto ko ng dede.
tito del: naku, di ako marunong magtimpla ng dede mo. antayin na lang natin si inay o kaya si daddy.
rhia: bakit? malaki ka na, di ka pa marunong?
tito del: e kase sinusukat pa yun.
rhia: hindi! hindi na yun sinusukat. nilalagay lang sa bote tsaka tubig. si kuya red, malaki na sya, marunong na sya gumawa ng dede.
tito del: e kase alam nya kung ilan ang ilalagay na gatas tsaka gaano kadaming tubig. antayin na lang natin sila ha.
after around 5 minutes...
tito del: o teka, lulutuin ko na yung sopas natin para mamaya.
rhia: marunong ka bang magluto?
tito del: oo naman!
rhia: marunong kang magluto, pero di ka marunong magtimpla ng dede?
sapul si tito del! haha!