life is strange really.
one minute, you're happy. suddenly, you're not. one minute, you're humming a song inside your head. the next thing you know, you're composing a lethal chant intended to harm others.
kadugtong ito nung valentine post ko.
after a lively night of dance music and senti love songs, joey, eyps, helene and i went our separate ways from metrowalk at around 2am. as was my habit, i always let my companions get to their cabs first so i could note down the plate numbers, taxi names and contact details. kunwari magaganda at bata sila at kailangang masigurong makarating sila ng safe sa mga bahay nila.
around 230am, i have received separate text messages from joey and eyps (helene and eyps shared a cab), telling me that they arrived home safely. good.
at around the same time, i was outside our compound's gate na rin. unfortunately, it was locked, disallowing me to enter. bad.
ganito yun. i live in an 11-door compound. the gate has 2 bolts at the inside: one of them, the upper one, pwedeng buksan from outside dahil abot-kamay sya; the other one, yung lower, nasa bandang gitna nung entire height ng gate. ibig sabihin, hindi ko sya mabubuksan from the outside. well, pwede pa rin naman kung ikaw si yao ming. or kung sawa yung isang braso mo.
so imadyinin nyo na lang. pagod ka sa gimik, mejo nakainom ka, mejo nagda-dry na ang contact lenses mo at dumidikit na sa eyelids mo, at higit sa lahat, sobrang inaantok ka na. ano kayang gagawin mo?
ako? inisip kong kalampagin yung upper bolt at nang may magising para pagbuksan ako. kaya lang naisip ko, "sibilisado ka. gwapo ka. sosyal ka. bakit mo gagawin yun? ano kah, mahirap?" sumagot naman ako ng, "alam mo, may point ka jan." nagulat nga ako, kase boses malat yung sumagot. parang hindi ko boses. masyado na nga lang patong-patong yung kamalasan kong inabot kaya hindi ko na pinansin yun.
ang ginawa ko, naglakad-lakad ako papunta kung saan habang nag-iisip ng plan B. option 1, magpunta sa nearby mot-mot at mag-check in. taga-pasay kaya ako, kaya siguradong meron nearby. ang problema, baka wala rin akong makuhang room dahil balentayms nga nun.
option 2, kontakin ang mga friends na malapit, kung sino pang gising at baka sakaling pwedeng makituloy. kaso, pa-lowbatt na ako, tapos bigla pang pumasok yung text ni Globe na tapos na ang unlitxt ko. sobrang badtrip talaga. kaya nagpunta ako sa mini-stop para magpa-load at mag-charge.
option 3, pumunta sa suking massage parlor. isang oras din yun, tapos pwede pa akong umidlip afterwards, just in time para paggising ko, pwede na akong umuwi hoping na may nagising na sa neighbors ko at nagbukas na ng gate. syempre, ultimate malas moment ko na ito kaya itodo na natin. walang available na therapist! i had to wait for one hour daw. wow men, hindi ko na ito kaya.
last option, magbabad sa 24-hour fastfood hanggang mag-umaga. umorder ng kape at sausage mcmuffin. oops, libreng promotion. at habang nginunguya ko yung sandwich at unti-unting nilalagok yung kape, bumulong na naman yung malat na boses sa isip ko. napalingon nga ako sa sobrang gulat e. wala lang. nagbonding kaming dalawa habang nagco-compose ng chant para sa aking neighbors. (hindi ko pwedeng isulat dito yung chant. baka mamatay yung magbabasa.)
ang hirap ng may neighbors na tamang praning. all of a sudden, ang mga good-natured neighbors ko, ayun, nag-implement ng curfew sa buong compound without consulting everyone. "para maiwasan ang mga nakawan," daw ang reason. i've lived in that compound for almost 10 years. way, way before anybody of them did. ni isang sampay, hindi ako nanakawan. badtrip to the highest level talaga.
saan ka naman nakakita ng security measure that would prevent entry. even yung nakatira dun mismo. kakaiba.
the following night, gumimik ulit ako. biglang-bigla, lahat sila nanay ko. lahat sila, kailangan kong pagpaalaman pag gigimik ako. before i left, nagdikit ako ng note dun sa gate, telling everyone na wag i-double lock yung gate dahil late na akong uuwi. in a very nice way. may kasama pang smiley. leche. kung gusto ko pala ng may rumerenda sa mga lakad ko, sana nag-bedspace na lang ako. nakamura pa ako. ang hindi nila alam, ang totoong sinabi ko:
"gigimik ako. late na ako uuwi. single ako kaya i deserve a life. wag nyo akong igaya sa inyo. hindi ko kayo kaanu-ano, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako nagpapaalam sa inyo dahil lang gigimik ako. plis lang, wag nyong isasara ang gate."
followed by the deadly chant.
No comments:
Post a Comment