Monday, May 4, 2009

kapendicitis



no, there's no typo there.

for lack of a known medical term, i am coining a new word to call my sickness. if it indeed is a sickness in the medical world.

kapendicitis. n. a condition wherein a stubborn person, despite having unpleasant symptoms of hypertension and abnormal uric acid levels, refuse to shy away from coffee, which has been identified as a major source of these symptoms. adj. form, kapendicitic.

bakit nga ba ang hirap umiwas sa kape?

a. sabi kase ni tweety de leon, rich daw ito sa antioxidants. somehow, may mga certain websites na nagsasabi ng ganito din. unless pinaglololoko lang nila tayo.

b. ikaw na ang maupo sa desk sa office na katabi ng coffeemaker. san ka pa? wan-plas-wan-ikwals-tu, ika nga.

c. magkaroon ka ba ng mga kaibigan na sugapa sa kape, alangan namang hindi ka pa mahawahan. sabi nga ni ai-ai, "tell me who your friends are, and i will tell you who my friends are." tapos kitakits tayo sa suking coffee shop.

d. tumataas kase ang sweldo taon-taon. (yihiii. parang totoo.) may additional resources para pambili ng hindi-ko-maipaliwanag-kung-bakit-mahal na kape ng suking coffee shop. (at kasalanan pa ng salary increases tuloy. wag nawa itong mabasa ng boss ko.)

e. kakaiba ang motto ko sa buhay pagdating sa pagkain. "ang buhay, dapat pinapasarap, hindi pinapahaba." i wonder kung yung mga taong inaabot ng otsenta anyos dahil maingat sa kinakain nila kung masasabi ba nilang na-enjoy nila talaga ang buhay nila.

sagot ko: all of the above. pero if i will put weights on the answers, letter e will definitely come first.

i would not consider myself a coffee addict. in fact, malakas ang self-control ko pagdating sa mga cravings. sadya lang talagang matigas ang ulo ko. i-differentiate natin.

adik: may mga kaibigan ako na hindi magkandaugaga sa paglaklak ng kape kapag disyembre. hindi dahil sa malamig ang simoy ng hangin. kundi dahil sa gusto lang nilang makakuha ng libreng planner. imagine, pagkakagastusan ang kung ilang baso ng mamahaling kape para sa planner! tapos hindi rin naman ginagamit. di ba napakalalang pagka-adik nyan.

matigas ang ulo: makakaramdam ng masakit sa katawan. magpapa-BP. magpapa-check up. at pag na-confirm na mataas na cholesterol at uric acid levels ang dahilan ng mga kung ano-anong nararamdaman, dededmahin lang. or at least, treat the resuls lightly by continuing to partake of a huge amount of coffee on a daily basis. ako yan.

nag-research ako ng konti sa web about coffee, its chemical components at kung anong pwedeng idulot sa katawan. swak na swak. kumbaga sa SOCO eh nakorner na ang salarin. ang problema nga lang, hindi willing yung biktima para ipakulong ang suspect. parang rape with consent. which is fair. bakit mo nga naman bibitayin ang suspect kung wala namang reklamo?

well. siguro i just need a paradigm shift para talagang makaiwas ako sa kape.

or maybe i just need a lovelife. sabi nga, love, like coffee, can also be addictive. baka sakaling pag may ibang kinahuhumalingan, mawala ang atensyon ko sa kape.

on second thought, ang kape, pag sawa ka na, pwede mo nang itapon agad-agad. walang konse-konsensya. at lalong-lalong hindi ka nya i-na-nag.


my goodness. how can you resist something as beautiful as this? can somebody just hit me in the head, please?

No comments:

Post a Comment