Wednesday, December 9, 2009
2009 Rodelicious Awards
The year is almost about to wrap up. But before it does, I want to announce the categories for the first ever Rodelicious Awards, the most prestigious, most coveted and most abso-freakin-lutely delicious award-giving body in my universe.
As follows is a partial list of the categories and the awards that are at stake this year. This list of categories is intended for the author's workplace side of his universe. (Whether there is a next installment of the categories is still yet to be seen, depending on his appetite for writing.)
1. Ako! Ako! Lagi na Lang Ako! AwardThis is given to the most conceited people around. Feeling pinagiinitan. Or feeling pinaguusapan lagi. Or laging target ng mga projects. Pasensya na po, trabaho lang. At least for the last one.
2. Umayos Nga Kayo Diyan AwardThis award goes to two or more persons or groups of persons who always choose to oppose. Yung tipong ultimo kulay ng papel whether off white or beige, pagtatalunan. Hay. Ikaw ba naman ang umattend ng meeting na laging referee ang role mo. Utang na loob, umayos kayo.
3. Bibo si Daddy, Bibo din Kami AwardI will give this award to the teams na talagang isinasabuhay ang quality objectives ng grupo. Credit should be given to the lead, pero nonetheless, kung hindi nya nakukuha ang cooperation ng team, wala din. At dahil jan, tuwang-tuwa ako sa inyo. Kudos.
4. Highblood Moment of the Year AwardSa trabaho, hindi maiiwasan ang mga eksenang nakakapagpataas ng dugo. Pasaway na katrabaho. Emails na hindi maganda ang choice of words. Ugaling nakakairita. Naku, mukhang andami kong pwedeng i-nominate. Haha.
5. Suspense-thriller Moment of the Year AwardMga pagkakataong nagiiwan ng bitin feeling, na hinaluan ng mala-roller coaster na emotions. Yung mga eksenang naghihintay ka ng specific na announcement na maaaring makaapekto sa yo, at hindi mo mawari kung kelan darating ang anunsyong iyon, kung darating man. (Teka, ako lang ata ang nakaka-relate dito.)
6. Absence Makes the Heart Grow Fonder AwardEto na ang panahon para koronahan ang mga taong ang drama eh absent kung absent. Walang paki kung may mga project na hindi matatapos. Or schedule ng audit, pero itutuloy ang bakasyon sa Palawan. In fairness, matagal nang naka-book ang flight na yun, as early as March. (Nag-explain daw ako bigla. Haha.)
7. Ginawa ang Salitang Angas Para sa Akin AwardAngas na nagkatawang-tao. Whether positive or negative ang implication, para sa inyo ito.
8. Ang Dali-dali Lang Niyan AwardPara sa mga taong kung makapag-comment tungkol sa trabaho ng ibang tao eh kala mo kung sinong superhero. Madali ka jan! Eh kung ikaw kaya ang pinaglalaba, pinagpaplantsa, pinagpipintura ng kisame at pinagme-memorize ng alphabet ng pabaligtad habang nagkakandirit pero naka-high heels! Tumigil ka.
9. MI ang may Hawak ng Solusyon sa Lahat ng Problema AwardHindi ko alam kung anong droga ang nasinghot ng ibang tao, pero hindi po totoo ang sinasabi nilang hawak ng team ko ang lahat ng solusyon. Hindi kami kailangang um-attend sa lahat ng meeting, kase for all you know, umaakting lang kami. (Obviously, kase puro kami artistahin.) Minsan may tinatawag tayong common sense. Gamitin natin ito.
10. Pramis, Draft ko Lang Ito AwardBakit nga ba may mga emails tayong nare-receive na feeling natin eh aksidente lang na napindot ni sender ang SEND button? Merong punong-puno ng tantrums. Merong isinulat ng ubod-emosyonal na galit. Merong mala-formal theme ang dating, yung tipong pagbalik ng titser sa estudyante eh para na syang coloring book kase andaming kulay pula. Pero ganun pa man, maraming salamat sa inyo, kase hindi matatawarang tuwa (at katakot-takot na tawa) ang naidulot nyo. Hindi nyo lang alam.
Nomination is now open. Hurry now and send in your nominees!
To send in your entries, just type AWARDS<space>[CATEGORY]<space>[Nominee]<space>I am such a gullible person<space>[Favorite color]<space>[Favorite day]<space>[Enumerate all 7 dwarfs]<space>ON and send it to your seatmate's mobile number. Bahala kayong mag-away pagkatapos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
LOL! :D
ReplyDelete